pag ako nagtrip... haaayz!
Oct. 7th, 2011 03:05 am![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
TITLE: Carvings
LANGUAGE: Filipino
GENRE: RL
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY: Inukit daw ni Jhake ang pangalan ni Bea sa isang silya. dahil hindi ko naman talaga alam kung ano talaga ang nangyari, eto ang binuo ng imagination ko... :D
“Sorry guys, mukhang mage-extend tayo tonight,” announce ng isa sa mga assistants ni Direk Mark Reyes na sumilip lang noon sa kuwartong pinagtatambayan ng mga batang artista na siyang itinatampok sa pelikulang kinukunan noon ng batikang director, ang Tween Hearts: Class of 2012. Wala doon ang lahat ng mga actors ng pelikula dahil scenes pa lang ng ilan sa kanila ang naka-schedule ng mga oras na iyon.
Iyong mga ibang isusunod pa lang ang shoot ng scenes nila ay wala pa.
If truth be told, dapat pati siya ay wala pa rin doon.
But Jhake Angelo Vargas found himself dragged to the shooting site by Kris and Joyce matapos nilang i-shoot ang isang plug para sa Party Pilipinas. Katwiran ng dalawa, doon din lang naman siya pupunta eventually at wala din lang naman siyang pupuntahang iba. Wala naman na siyang ibang nagawa kundi sumunod lalopa dahil hinila na siya ng dalawa.
Kaya habang nagre-rehearse ang mga nasa paligid niya, which included Kris, Joyce, Alden, Louise, Yassi, and Lexi, wala siyang magawa kundi tumambay na lang sa isang gilid at basahin din ang script niya. Pero dahil nga sa nagkaroon ng aberya sa shooting, sawang-sawa na siya sa mga magiging linya niya, hindi pa rin natatapos mag-shoot ang mga kasama niya.
He ended up playing his guitar habang nagsosolo siya sa corner na iyon pero dahil na rin ayaw niyang maging masyadong maingay para hindi maka-distract sa mga kasama, itinigil niya ang pagtutugtog.
But his hands needed to move and that’s when it all started.
Panay linya at curves lang actually ang inuukit niya nung una sa arm ng kahoy na upuang iyon gamit ng guitar pick na ibinigay sa kanya ng naging mentor niya sa pag-gitara. Up until those lines and curves met somewhere at may nabuo siya na parte ng letrang B. Nang mapansin niya iyon ay yumuko siya para mag-focus sa ginagawa. He couldn’t help but smile habang unti-unting natatapos ang masterpiece niya.
Ni hindi nga niya napansin ang paglipas ng oras dahil kahit nang matapos na niyang mabuo ang binubuo niya, inulit pa niya ang pag-ukit para lang mai-diin iyon.
“Jhake!”
Ang pagtawag na iyon ni Joyce sa kanyang pangalan lang ang pumutol sa kanyang konsentrasyon sa ginagawa. Pag-angat niya ng kanyang ulo, nakita niyang nakatayo na ito at si Kris.
“Bakit?” tanong niya.
“Tara, kain muna tayo, may additional shoot pa silang apat eh,” tuloy ni Joyce.
Doon napakunot ang noo ni Jhake.
“Teka, tapos na ba kayo sa shoot niyo?” aniya. Ang alam niya kasi ay mauunang mag-shoot sina Joyce at Kris ng eksena nila.
“Tapos na,” tawa ni Kris. “Ano ba kasi yang ginagawa mo at mukhang nawili ka, hindi mo tuloy napansin ang oras.”
“Ha?” bulalas niya bago mabilis na nilingon ang kanina pa niya ginagawa. Nangiti na lang siya at nailing bago mabilis na tumayo. “Wala. Ano, san tayo kakain? Manlilibre kayo?”
“Kahit san,” sagot ni Kris na nakatawa pa rin. “SI Joyce naman ang taya eh!”
“Oi! Hindi ah,” reklamo agad ni Joyce. “Ikaw ang nag-aya eh, kaya ikaw dapat ang taya!”
Tumawa na lang noon si Jhake. “Hindi ko alam kung sino sa inyong dalawa ang taya pero dahil hinila nyo ako dito, ilibre ninyo ako,” pabirong utos niya sabay hila sa dalawa bago pa pag-interesan ng mga ito na tignan ang ginagawa niya.
-----
“Ay, hindi! Ayoko!” bulalas ni Barbie na may kasama pang iling habang papasok ang grupo nila sa kuwartong iyon. Kasunod lang niyang pumasok ang kaibigan at ka-loveteam na si Joshua na siyang ‘kaaway’ niya ng mga oras na iyon.
“Madaya!” reklamo ni Joshua na napapakamot na lang ng ulo. “Natalo ka eh!”
Nakalayo na ang dalawa ay naiwan pa rin sa may pintuan ang dalawang kasama nilang dumating noon, sina Elmo at Bea, na pinanonood ang dalawang kanina pa nagbabangayan. Naiiling na natatawa na lang ang mga ito.
“Hanap na lang tayo ng mauupuan,” aya ni Elmo sa babae kapagkuwan. Habang pinanonood kasi nila ang bangayan ng dalawa ay nakita rin nila na okupado ng mga bag ang gamit ang karamihan sa mga upuan sa kuwartong iyon. Wala doon ang mga kaibigan nila dahil malamang ay nagshu-shooting pa.
Tumango na lang si Bea bago sila naghiwalay na dalawa para maghanap ng bakanteng puwesto. Pero hindi pa man nagtatagal ay narinig ni Bea na tinatawag ni Elmo ang pangalan niya.
“May naka-reserve na palang upuan para sa’yo eh,” natatawang dagdag pa nito nang lumingon siya.
Dahil sa curiosity, lumapit siya agad sa lalaki para malaman kung ano ang sinasabi nito at nang makita niya kung ano ang tinutukoy ng lalaki, naramdaman na lang niya ang unti-unting pag-init ng kanyang pisngi.
May naka-ukit kasing pangalan niya sa arm ng silyang iyon. Klarong-klaro pa. Bea.
Pero hindi lang pala siya ang na-curious sa sinabi ni Elmo dahil pati ang dalawang nagbabangayan kani-kanina lang ay lumapit din.
“Astig yan ah!” bulalas ni Joshua nang makita ito.
“Ay, ang cute!” bulalas naman ni Barbie. “Talagang may lopsided heart pa ha!”
Namula na lang lalo si Bea dahil maging siya ay napansin din ang nakaukit na hugis puso pagkatapos ng pangalan niya.
Pero bago pa man siya makantyawan ng mga ito ay narinig nila ang pagpasok ng iba nilang mga kaibigan.
“Guys! Andito na pala kayo!” bati pa ni Alden sa kanila.
“Sino ang nakaupo kanina dito?” tanong agad ni Elmo matapos ang maikling batian sa mga papasok noon.
“Si Jhake ang nandiyan kanina eh,” sagot ni Louise na busy na noong nangangalkal ng bag.
“Nandito na si Jhake?” tanong ni Joshua na tulad nina Elmo at Barbie ay nakangiti nang pasulyap-sulyap kay Bea.
“Oo,” sagot ni Lexi. “Isinama nina Kris at Joyce eh. Baka kasama din nung dalawa na nagmeryenda.”
“Oo nga,” dagdag ni Alden. “Buti naman. Mukhang naburo nga yun dito kanina eh. Nakayuko na lang siya bigla kanina jan habang nagpra-practice kami.”
“May pinagkaka-busy-han kasi siya dito kanina,” sagot ng nakangiting si Barbie bago ito lumingo kay Bea at idinagdag na “Di ba, Bea?”
Hindi na nakasagot si Bea dahil mabilis na napick-up ng mga kasamahan nila ang pahaging ng babae.
“Ano yan?” tanong ni Louise habang nag-unahan silang makalapit sa kanila. Umupo na si Bea para matakpan ang arm ng silyang iyon pero mabilis na hinila ni Elmo ang kamay niya para makita ng iba ang nakaukit doon.
Pilit nilalabanan nina Bea ang pamumula ng mukha niya hanggang ibulalas ni Yassi ang “Ay! Nakaka-in-love. Ang sweet naman ni Jhake oh!”
At lalo walang nagawa si Bea nang narinig nila ang napakapamilyar na boses lalaking iyon.
“Bakit? Anong ginawa ko?” tanong ni Jhake mula sa pinto.
-----THE END-----
trip lang...
ganito akong magtrip... :D

Re:
Date: 2012-07-23 07:18 am (UTC)http://www.youtube.com/watch?v=aMzgVshG6CI