currently on a weird mood...
Sep. 20th, 2011 02:11 am![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
TITLE: SILENT WISH
LANGUAGE: Filipino
GENRE: RL
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
AUTHOR'S NOTE: Inspired by another interview by the same pair as posted on the previous one... :D
"Nakakatamad naman," nakasimangot na bulalas ni Barbie matapos itong maupo sa tabi ng nagte-text lang noong si Bea. Nasa dressing room sila noon para magpahinga sa ginagawa nilang taping para sa kanilang Sunday afternoon show. "Wala akong magawa."
Bagama't naiiling ay nangi-ngiti din si Bea nang itaas niya ang kanyang ulo para tignan ang kaibigan. "Ganyan talaga, hindi pa daw naayos yung pumutok na camera kaya hindi pa tayo makakapag-start eh. Kulitin mo na lang kaya si Joshua."
"Hmp," patuloy na maktol ni Barbie. "Pinagtataguan nga ako eh. Actually, lahat ng boys nagtatago. Haay naku! Nag-dota na naman lahat ng mga 'yun!"
"Huuuu," ngiti ni Joyce na katabi lang noon ni Bea. "Mukhang kaya ka lang naman talaga naiinis ngayon kasi hindi mo makita si Joshua eh."
"Hindi ah!" mabilis na sagot ni Barbie. "Bored lang talaga ako. Ba't ko naman mami-miss 'yun?"
"Wala naman akong sinabing nami-miss mo siya eh," nakatawang huli ni Bea na lalo namang ikinasimangot ng kaibigan.
"Ikaw talaga," ani Joyce. "Ang bilis mong magpahuli."
"Ah ganun," ani Barbie. "Nanghuhuli pala kayo ah! Puwes, ako din! Actually, may nahuli na ako days ago pa, hindi ko nga lang pa lang nabibisto."
"Talaga?" hamon ng dalawa. "Sino?"
Ngisi muna ang unang isinagot ni Barbie bago nito sinabing "Sino pa nga ba? Eh 'di itong si Bea! Ay wrong, etong Jhabea pala."
"Haay naku," naiiling na tawa na lang ni Bea habang si Joyce ay napangiti. "Hindi mo kami maiintriga noh. Sabi ko nga, work muna."
"True!" ani Barbie na umiigkas-igkas pa ang kamay. "Pero may isa ka pang sinabi na never, ever, ever mong maide-deny!"
"Uy, ano yan?" interesadong tanong ni Joyce.
Ngumiti muna rito si Barbie bago nito itinuloy "Remember yung Showbiz Central segment ninyo with Ate Jen Mercado?"
"Oo," kampanteng sagot ni Bea. "Anong tungkol dun?"
"Hindi mo ba naaalala ang mga sinabi at nasabi noon?" ngiti ni Barbie.
"Haay naku Barbs," ani Bea. "Kung ang sinasabi mo eh tungkol dun sa pagdadala ni Angelo ng gitara kuno para sa akin, wala yun. Kayo na mismo ang magiging proof na hindi ako tinutugtugan nung mokong na 'yun."
"Iba pa 'yun!" sagot ni Barbie. "Hindi 'yun ang sinasabi ko although medyo malapit-lapit ka na."
"Haay naku Barbie," singit mula ni Joyce na halatang interesado na rin. "Sabihin mo na kasi."
"Okay, okay!" ani Barbie na itinaas pa ang kamay tanda ng pagsuko bago bumaling kay Bea. "Remember, may tinanong ka kay Ate Jen nun right after nung about sa issue na kinakantahan ka daw ni Jake. Yung about kay Kuya Mark Herras?"
"Oo," tango ulit ni Bea na biglang napaisip. "Tinanong ko kung kinakantahan o sinasayawan din ba siya dati ni Kuya Mark."
"Exactly!" mabilis na ani Barbie. "Din! And, as we all know, naging mag-loveteam muna sina Kuya Mark at Ate Jen bago naging sila. At! Sa pagkaka-alam ko, noong una din ay panay 'trabaho' ang sinasabi nilang dalawa although vocal naman si Kuya Mark na may gusto siya kay Ate Jen."
"So?" tanong ni Bea na hindi makita ang koneksyon sa sinasabi ng kaibigan.
"So," tuloy ni Barbie na tila hindi man lang apektado sa reaksyong iyon ng kaharap. "It means na nakikita mo ang similarities between you and Jake sa nangyari noon kina Ate Jen at Kuya Mark! Well, the part wherein magka-loveteam sila na nagkadevelopan bago sila nagkatuluyan at vocal si lalaki sa pagkakagusto niya kay babae."
"Ha?!" bulalas na lamang ni Bea dahil sa gulat sa narinig na paga-analisa ng babae sa mga nasabi niya noon.
"Hindi ba Joyce?" tuloy ni Barbie na humarap naman sa kanilang kaibigan na napangiti at napatango na lamang. "And infairness, ang daming pinakilig ang Mark-Jen tandem noon much like ang Jhabea ngayon."
"Haay naku," iling ni Bea bagaman ay hindi maitago ang namumuong ngiti sa kanyang mga labi. "Iba ka talaga."
"Siyempre naman!" masayang tango ni Barbie. "Sana nga matulad kayo sa kanila pagdating dun sa part na naging sila. Pero hanggang dun lang ha! Sana hindi umabot sa puntong break-up churva na yun."
Tumingin na lang noon si Bea sa iba at kunwa ay hindi pinakikinggan ang sinasabi ng babae pero hindi niya maikakailang napapa-isip siya nito.
"Sana nga," nasambit na lang niya.
Mahina lang kung tutuusin ang pagkakasabi niya nun pero sapat na iyon para marinig ng dalawang babaeng kasama niya ng hindi sinasadya.
"Narinig ko yun!" kantyaw ni Barbie na halatang tuwang-tuwa.
Bago pa man makapagsalita o makagalaw si Bea ay kumaripas na ito ng takbo sabay sigaw "Jake! Jake! May sasabihin ako sa'yo! Sabi ni Bea--!"
"Barbie!" sigaw agad ng namumula nang si Bea na tumayo na't hinabol ang kaibigan bago pa man nito maituloy ang sasabihin nito. "Lagot ka sa akin pag nahuli kita!"
"Uy, si Bea, nagblu-blush!" biro pa ni Barbie bago itinuloy ang paglayo sa humahabol na kaibigan.
Noon pa lamang tumayo ang lalaking tinawag ni Barbie na noon pala ay nakaupo sa sahig sa gilid ng mga kama kasama ang iba pang tween boys at naglalaro ng DoTA.
"Barbie, bakit?" tanong ni Jake.
Pero hindi na si Barbie ang sumagot kundi si Bea. "Wala!" anito na nakikipaghabulan pa rin sa kumakaripas ng takbong si Barbie.
Sa pagtataka, napalingon na lamang si Jake sa lugar kung saan alam niyang naroroon ang babae kanina at nakita doon ang nakangiti at natatawang si Joyce.
"Sorry Jake ha," ani Joyce nang mabasa ang tanong sa kanyang mga mata. "Ayoko pa kasing makatikim ng wushu eh," na lalo namang ipinagtaka ng lalaki.
Magtatanong pa sana ito nang bigla namang magsalita si Alden na naka-upo sa gawing kanan niya.
"Jake, san ka na? Tulungan mo ako dito, mamamatay na ako!"
"Oo na," sagot ni Jake na uupo na sana nang mahagip nang mata niya na nahuli na ni Bea si Barbie sa wakas at nakatakip na sa bibig ng huli ang kamay ng una. Mukhang sinasabi nitong huwag magsasalita si Barbie.
Napailing na lang siya bgo siya tuluyang umupo.
-----THE END-----
trip pa rin at na naman... haayz!