![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
i generally hate cleaning up...
i swear! i'd prefer to do carpentry works or stuff like that as compared to arranging and rearranging household items and so on and so forth.
but on the rare occasion that i do end up cleaning, i tend to relive and review certain things i unearth durng the activity.
and that's what exactly happened to me.
i was cleaning up a few things here on my LJ when i saw some of my works last year... the picto-drabbles to be exact... and i remembered how much i had making those... and so here i am again, with my picto-drabble number 4 with the local loveteam i really, really adore...
TITLE: Lovestory
CHARACTERS: Jake Vargas, Bea Binene
PAIRING: Jhabea
RATINGS: PG
LANGUAGE: Filipino
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...

Bea’s POV:

Hindi ko siya gusto! Promise!

Barkada lang talaga ang tingin ko sa kanya. Best friend. At barkada rin lang talaga ang tingin niya sa akin.

Kahit lagi kaming magkasama, wala talaga. Kahit nga cute din naman ang ngiti niya, minsan, nababagot pa ako kahit nakangiti siya at nagjo-joke.

Minsan nga, napagtrip-an nun na magluto, na-windang na lang ako sa inihanda niya!

Well, hindi naman sa hindi ko siya ma-appreciate ha. Pero sabihin na lang natin na mas forte niya kasi ang pag-gitara at pagkanta. Kung nag-gitara lang sana na lang siya nun, eh di ako pa yung natuwa!

Pero ewan, siguro na rin dahil nga sa lagi kaming magkasama.

Napansin ko na lang sa sarili ko na napapangiti na ako natititigan ko lang siya sa mata.

Tapos, parang hurt ako pag iba ang tinitignan niya.

Kinikilig-kilig din ako kapag niyayakap niya ako, pero siyempre, nagpapanggap akong hindi daw. Naisip ko na lang, baka nakakagayuma yung palpak na pagkaing niluto niya.

Akala ko, nabubuwang na lang talaga nga ako eh. Sabi ng friend ko, tumitigil daw ang OS (Operating System) ng utak ko. Akala ko, hopeless na talaga.
Jake’s POV:

Ang unang masasabi ko, ibang klase siyang magtimpla. Ang tamis! Parang asukal na may tubig na kinulayan lang.

Pangalawa, medyo masungit siya. Moody. Talagang iniiwan niya akong mag-isa kapag nabadtrip siya sa kung anumang sinabi o ginawa ko kahit hindi ko naman sadya.

Pangatlo, boyish siya. Hindi siya tomboy, pero ang astig! Minsan kung umasta, akala mo naghahanap ng away.

Pero ang bait niya. Pinagtiisan nga niya yung palpak na niluto ko dati. Ang sweet di ba?

Minsan naman, kahit gigil na gigil na talaga siya, nagpipigil na lang. Karinyo brutal kumbaga.

Pero gustung-gusto ko siyang tinititigan. Kahit tuwing nagsasalita lang naman siya.

At favorite kong gawin ang humiga sa lap niya.

Kahit madalas, tumatayo siya at iniiwan ako sa sofa.

Siyempre, ako naman, susunod sa kung saan man siya pupunta.

Akala ko, hopeless na.
Back to Bea’s POV:

Nagulat na lang ako nung minsang may event at bigla na lang siyang nagpakita sa tabi ko. Ang alam ko kasi, kasama niya yung isang girl na feeling ko gusto niya. Sad na nga ako noon eh.

Tapos, sinabi niya pa sa akin na nandoon siya para sa babaeng gusto niya. Nakaka-hurt di ba?

Aalis na nga lang sana ako para hindi na ako lalo pang masaktan pero bigla niyang hinila ang kamay ko at itinapat sa puso niya. Tapos…
Back to Jake’s POV:

Naglakas-loob na akong sabihing siya yung gusto ko. Akala ko nga hindi maniniwala eh.

Nakatitig lang naman kasi siya sa akin noon.

Mayamaya, niyakap na lang niya ako at sinabing pareho daw kami ng nararamdaman. At alam ninyo, simula nang gabing iyon, ako na talaga ang pinakamasayang lalaki sa mundo.

Tinatanong ninyo kung meron bang kiss?

Ahhh… Hehehe… Stop muna. Bata pa siya eh. Next time na lang, aabutin din tayo jan.

Sa ngayon, eto na lang muna.

Dahil ang importante, sa ngayon, nandito lang kami para sa isa’t isa.
-----THE END-----
at dito nagtatapos ang aking pagtri-trip... :)
nagustuhan nyo naman ba???