angelshill: (Default)
[personal profile] angelshill
TITLE: TRIP
LANGUAGE: Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY: 
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)

This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.

Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
-----

CAST of CHARACTERS

Jake as Angelo Jake/Angelo (26)
Bea as Ma. Beatrice/Bea (21)
Lexi as Alexis (23)
Derrick as Erik (24)
Joshua as Ralph Joshua/Josh (22)
Elmo as Elmo Moses (25)
Gloria Romero as Lola Lory
Barbie as Barbara/Barbz (21)
Alden as Alden (26)
Kristoffer as Kris (22)
Joyce as Ligaya/Joy (24)
Raymart Santiago as Raymart/Ray (Joshua’s father)
Zoren Legaspi as Zoren (Elmo’s father, Lola Lory’s first child)
Carmina Villaroel as Carmina/Mina (Joshua’s mother, Lola Lory’s last child)
Raymond Bagatsing as Raymund/Manny (Bea’s father)
+ many more

-----

“Sumama ka sana talaga sa amin ni Kris, Jek!” dinig na dinig ni Angelo na bulalas ni Joshua, ang nakababata niyang pinsan, habang nagtatago ang ulo nito sa likod ng nakabukas na pinto ng ref.

Nasa bachelor’s pad niya sila noon dahil doon na niya pinapunta ang lalaki nang mag-text ito sa kanya. Usapan kasi talaga nilang magpinsan na magkikita sila ng tanghali ng Sabadong iyon pero maaaga pa lang ay nakabalik na siya ng pad niya at tinamad naman na siyang lumabas.

Hindi na muna siya nagsalita at itinuloy na lang niya ang paggi-gitara matapos marinig ang sinabing iyon ni Joshua. Una sa lahat kasi ay kilala niya ang pinsan at alam niyang hindi pa ito tapos sa pagsasalita kahit pa tumigil ito saglit. Pangalawa, alam niya kung ano ang madalas gawin nito at nung binanggit nitong kaibigan na gawin pag magkasama ang dalawa. At wala siyang kahilig-hilig sa mga ganoong bagay.

“Ang astig nung pinili ni Kris na gym eh,” tuloy ni Joshua na parehong inasahan at ikinagulat ni Angelo.

Inasahan niya dahil alam niyang may sasabihin pa ito at ikinagulat niya dahil maliban sa katotohanang panay mall lang naman ang tinatambayan nito at ni Kris kapag nang-i-ispat ng babae (na siyang paborito ng mga itong gawin), hindi rin nag-gi-gym ang dalawa, lalo na si Joshua.

“Gym? Anong ginawa nyo sa gym?!” bulalas niya na natigil pa sa pagtipa ng gitara.

“Idea ni Kris eh,” kibit-balikat ni Josh na sa wakas ay iniangat na ang ulo at isinara ang pinto ng ref. “Para naman daw maiba,” dagdag nito habang papunta sa upuang nasa tapat lang ni Angelo. “Okay nga eh, andaming babes dun.”

“Ewan talaga kayong dalawa,” natatawang iling na lang ni Angelo. “Kung anu-anong ginagawa ninyo.”

“Walang mapagtripan eh,” simpleng sagot ni Joshua.

“Maghanap na kasi kayo ng babaeng seseryosohin,” ani Angelo. “Para dun nyo na lang ibuhos yung atensyon nyo.”

“Ano, parang ikaw?” tawa ni Joshua. “Nagseryoso sa isang babae na ngayon eh binabalewala ka kasi confident na sa kanya lang ang atensyon mo? Di bale na lang!”

Nang hindi man lang ito kinontra ni Angelo at sa halip ay itinuloy na lang ang paggi-gitara, nagtuloy-tuloy si Joshua.

“Inindiyan ka na naman ni Alexis no?” anito.

Si Alexis ang Junior Officer In-Charge of External Affairs ng kompanya na 60% ay pag-aari ng angkan nina Angelo, ang Unlimited World Airlines at ito rin ang babaeng inamin ni Angelo na gusto niya.

“Kaya ang aga-aga mong bumalik dito kasi may lakad dapat kayo pero hindi na naman sumipot,” tuloy pa nito.

“Nagre-schedule,” amin ni Angelo. “May kailangang asikasuhin daw eh.”

“Kitam!” bulalas ni Joshua. “Kaya nga sabi ko sa’yo, sana sumama ka na lang sa amin ni Kris eh. May isang babae sa gym kanina, ang ganda! Sexy! Ang lakas ng dating! At heto, ang astig Jek. Nagma-martial arts kanina. Judo ata yun eh... Basta! Ang lakas ng sex appeal!”

“Oh, eh nagpakilala kayo?” tanong na lang ni Angelo.

“Hindi,” sagot ni Joshua. “Medyo dyahe eh. Tsaka feeling ko kasi nakita ko na siya dati.”

Hindi napigilan ni Angelo ang matawa. Bihira kasi ang pagkakataong atakihin ng hiya ang pinsan niyang ito.

“Baka naman na-ispatan nyo na dati dun sa mga naging lakad ninyo,” biro niya.

“Hindi eh,” iling ni Joshua. “Sigurado ako dun. Pero feeling ko talaga, kilala ko siya eh.”

“Nagpakilala ka nga kasi sana,” tuloy pa ring tawa ni Angelo.

Napasimangot saglit si Joshua habang pinanonood siya sa pagtawa. Mayamaya ay ito naman ang napangiti nang tila may maalala ito.

“Kailan ka uuwi?” tanong nito na epektibo naman nagpatigil sa tawa ni Angelo. “Balita ko, gusto ka daw makita ng lola.”

“Mamayang gabi,” sagot ni Angelo. “Gusto mong sumama?”

“Wala akong balak mag-volunteer para masermunan,” tawa ni Joshua. “Si Kuya Elmo na lang kaya ang isama mo.”

Sarkastiko munang tumawa si Angelo bago nito sinabing “Naghahanap ako ng kakampi ko, hindi kakampi ni Lola.”

Si Elmo kasi ang nag-iisang anak ng panganay ng kanilang Lola Lory, si Tito Zoren. At bagaman hindi si Elmo ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan dahil una ng isang taon si Angelo dito, ito naman ang pinaka-seryoso.

Tumawa na lang si Joshua.

“Ba’t ka nga pala ipinatawag?” tanong nito.

Nagkibit-balikat si Angelo.

“Ewan.”
-----

“Hi dad!” nakangiting bati ni Bea pagkapasok na pagkapasok niya ng sala at nakita doon ang ama na tamang-tama naming ibinababa ang receiver ng telepono.

“Oh, san ka nanggaling?” nakangiting bati ni Raymond sa anak na humalik pa sa kanyang pisngi. “Ang sabi sa akin, ang aga mo daw lumabas ah. Wala ka bang jetlag?”

“Meron konti,” sagot ni Bea. The day before lang pa lamang kasi sila lumapag na mag-ama sa NAIA mula sa Australia. “Pero hindi kasi ako mapakali pag hindi ako nakapagtraining kaya nag-gym ako para makapag-wushu saglit.”

“Ikaw talaga,” nakangiti pero naiiling na bulalas ni Raymond. “Ang hilig mo sa mga trainings na ganyan. Ewan ko ba kung bakit...”

“Siyempre naman, Pa,” sagot ni Bea. “Hindi porke’t babae ako, hindi ko na kayang protektahan ang sarili ko. Dapat nga, since babae ako, alam ko kung pano ang self-defense. Besides, alam ko naman na kapag nabubuhay si Mama, matutuwa siya kasi hindi ako dependent sa mga lalaki.”

Saglit na na-freeze ang ngiti sa mga labi ng ama ni Bea pero hindi niya iyon napansin lalo pa dahil tumawa din agad ito at sinabing “Hmmmm.... Baka naman man-hater ka na nyan.”

“Hindi naman po,” pagsisiguro ni Bea. Marami siyang kaibigang lalaki at marami rin naman ang nanligaw at nanliligaw sa kanya sa Australia. Pinakamasugid na rito ang Filipino rin na si Erik. Kaya nga lang, wala talagang makapang interest si Bea para sa lalaki. “Self-preservation lang. Sino nga pala yung kausap ninyo sa telepono kanina?”

Halata ang tension sa mukha ni Raymond sa tanong na iyon ng anak.

“Ah, ang Lola Lory mo,” sagot nito kapagkuwan. “Hindi ko alam kung naaalala mo pero madalas mo siyang makita noon nung bata ka pa. Kasa-kasama niya ang mga Lolo mo dati, kaibigan siya ng Lolo mo.”

“Medyo,” amin ni Bea pagkatapos ang saglit na pag-iisip. “Hindi ko naman kasi masyadong maalala kasi 9 years old pa lang ako nung umalis tayo. Magtu-22 na ako ngayon.”

“Oo nga eh,” buntong hininga ng kanyang ama. “May tatlo siyang apong lalaki, magkakalapit lang edad ninyo kaya kayo noon yung madalas na magkakalaro. Sabi nga sa akin, binatang-binata na daw sina Angelo Jake eh.”

“Ahhh...” tango na lang ni Bea. “Teka, ba’t nga po ba ninyo sila nabanggit?”

“Tumawag kasi ang Lola Lory mo,” paliwanag ni Raymond. “Iniimbita tayo sa ancestral house nila.”

“Talaga po?” tuwang sambit ni Bea.

“Oo, gusto mong pumunta?”

“Oo naman po!” masigla niyang sagot. “Gustung-husto kong makapasyal dito sa Pilipinas eh! Kelan po tayo pupunta?”

“Ngayon na!”
-----

“Kumusta po, lola?” nakangiting bati ni Angelo pagkababang-pagkababa niya ng sasakyan. Kaninang binubuksan pa lang ng katulong yung gate para sa kanya ay nakita na niyang lumabas ng pinto ang kanyang lola para salubungin siya.

“Apo ko!” bulalas agad ni Lola Lory na sinalubong siya ng yakap. “Malapit na akong magtampo sa’yo Jek ha!” anito kapagkuwan. “Kung hindi ko pa sinabing umuwi ka at may sasabihin akong importante, hindi mo pa talaga babalaking umuwi.”

“Hindi naman po, La,” sagot ni Angelo na niyakap din ang matanda.

Sa kanilang tatlong magpipinsan, komportable siyang sabihin na siyaang pinaka-close sa matanda. Maliban kasi sa siya ang panganay na apo, dito na rin siya lumaki matapos parehong mamatay sa aksidente ang mga magulang niya noong 6 years old pa lang siya.

“Busy lang po,” dagdag niyang paliwanag.

“Hmp,” sagot na lamang ni Lola Lory. Hindi naman kasi talaga nito mako-kontra ang sinabi niya dahil ito mismo ay alam kung gaano karami ang trabaho niya bilang General Manager ng Philippine branches ng kanilang kumpanya. Si Lola Lory kasi ang tumatayo pa ring chairman of the board ng Unlimited World Airlines. “May girlfriend ka na?”

Natawa muna si Angelo sa narinig bago siya umiling at sinabing “Wala po, Lola. Kayo pa rin po ang pinaka-importantng babae sa buhay ko.”

Malimit kasi niyang marinig ang katanungang iyon mula sa matanda kapag nagkikita sila o kahit sa tawag o sa text. Hindi nga lang niya kasi masabi kung natutuwa ba o hindi ang matanda sa tuwing sinasabi niya ritong wala.

Hindi naman siya nagsisinungaling dito kapag sinasabi niya iyon eh. Bagaman ay madalas ang paglabas-labas kasi nila ni Alexis ay hindi naman talaga sila. Hindi rin naman niya masabi na nanliligaw siya sa babae dahil ito na mismo ang nagsabing ayaw muna nito manligaw siya.

“Ba’t nga po pala ninyo ako ipinatawag?” tanong niya.

“Malalaman mo rin,” nakangiti lang na sagot ni Lola Lory bago ito kumalas sa pagkakayakap sa kanya at nagpatiunang pumasok sa loob.

Hindi na nagtanong pa si Angelo. Sanay kasi siya sa ugaling iyon ng kanyang lola. Naniniwala kasi ito na kapag sinabi nito agad ang gusto niyang sabihin, aalis agad siya, ang mga pinsan niya, o ang mga tito’t tita niya. Susunod na lang sana siya sa loob nang mapansin niya ang isang hindi pamilyar na sasakyan na nakaparada sa tabi ng sasakyan ng lola niya.

“La, may bisita kayo?”

“Oo,” nakangiting sagot ni Lola Lory. “Tara na nga kasi sa loob para maipakilala na kita.”
-----

“Nakakatuwa naman,” ngiti ni Bea habang nakantingin sa pintuang kani-kanina lang ay nilabasan ng matandang nag-aasikaso sa kanila kanina, si Lola Lory.

Nasa sala sila noon at nagkukuwentuhan nang may lumapit na katulong sa matanda at may ibinulong. Napansin agad ni Bea ang lalo pang pagsigla ng matanda na halata na ang tuwa nang dumating sila ng kanyang ama mga dalawang oras na ang nakararaan. Nagpaalam ito sa kanila saglit dahil dumating na raw ang apo nito.

“Ang alin?” tanong ni Raymond.

“Si Lola Lory,” sagot ni Bea. “Natutuwa ako sa kanya. Kasi, parang tuwang-tuwa siya na nakita niya ako. Ang bait-bait pa niya.”

Mula kasi nang bumating sila ay inasikaso na sila ng matanda, isa iyon sa mga na-miss niya talaga mula nang mawala na ang sarili niyang mga lolo at lola.

“Actually...” simula ni Raymond na bakas ang kaseryosohan sa mukha pero mabilis din itong natigil sa pagsasalita nang pumasok na ulit si Lola Lory at sa pagkakataong iyon ay hindi na ito mag-isa.

“Manny, Bea, nandito na ang aking apo,” ani Lola Lory agad na siyang kumuha sa atensyon ng mag-ama.

Kung tutuusin, pagpasok pa lang ng mga ito ay nakuha na agad nila ang atensyon ni Bea, particular na ang apong kasama ni Lola Lory, dahilan para hindi niya mapansin na seryoso ang kanyang ama kanina.

He wasn’t that dashing, that much she could say. Ni hindi nga ito katangkaran eh. Sa tantiya niya ay konti lang ang itinangkad nito sa kanya. Pero guwapo ang lalaki at aaminin niyang nagandahan siya sa ngiti nito lalo pa dahil mukhang ang ngiting iyon ay reaksyon nito sa kung anumang sinabi ni Lola Lory na naka-abresyete sa kanya bago nito ito ipinakilala. Aaminin din niya sa loob-loob niya na malakas ang dating ng lalaki.

“Sa pagkakaalam ko, nagkita na kayo dahil sa trabaho,” tuloy ni Lola Lory na nakatingin kay Raymond, ito kasi ang isa naman sa mga bosses ng Australian branch nila. Nang tumango ang dalawang lalaki sa matanda bago nagkamayan at nagbati-an saglit, ngumiti si Lola Lory bago nito iginiya ang apo para humarap kay Bea.

“Jek, ito naman si Bea, ang nag-iisang anak ni Manny,” pagpapakilala nito sa kanya. “Bea, ang aking apo, si Angelo Jake.”

“Hi!” nakangiting bati nito na in-offer pa ang kamay sa kanya.

Madalas, ayaw na ayaw ni Bea na ipinapakilala sa mga lalaki. Hindi kasi maganda ang mga experiences niya noon lalo pa kung ina-assume ng lalaki na either irresistible siyang kalahi ni Adan o di kaya’y siya naman ang mahina na kalahi ni Eba.

Pero sa pagkakataong iyon ay hindi naman niya maramdaman na may something sa lalaki na hindi niya gusto.

Ngumiti na rin lang siya saka inabot ang kamay sa lalaki.

“Hello...”
-----tbc-----


so, pano po siya???
comments are highgly appreciated!!! :)


JHABEAIRISES

Date: 2011-09-08 01:27 pm (UTC)
From: (Anonymous)
I super love it po...
lalo na yung they are set to marry each other!! KV na KV na talaga!!
CRAVING FOR MORE OF IT po..
HOPE YOU CAN POST OR CONTINUE THE STORY RIGHT AWAY!!
hahaha:))

(no subject)

Date: 2012-04-05 01:58 am (UTC)
From: [identity profile] jhabea0409.livejournal.com
waiting 4 da next chapter... gumawa tlga aq ng account pra lng mkapagcomment.. can't w8 n kc eh... khit medyo mangapa-ngapa pa.. anyways, sna mkapagupdate k n...

(no subject)

Date: 2012-04-11 05:31 pm (UTC)
From: [identity profile] angelshill.livejournal.com
hi!
wow... flattered naman ako na gumawa ka pa talaga ng account para dito...
thank you po...
anyway, to be honest po, sa ngayon, and in case hindi nyo po nakita ung mga recent posts ko sa account na to, wala pa po ako sa drift ng pagsusulat. ung mga nagagawa ko lang po so far eh panay mga short stories lang at wala pa po ako sa tamang mood para ituloy ang mga mahahaba kong kuwento, isa na ang trip doon...
as of now po, hindi ko sure kung kelan ako eksakto ulit makakapagsulat kasi busy ako sa trabaho. pero sooner or later po, magpopost din ako... hindi ko din po maipapangako kung alin sa mga kuwento ko ang mauuna (kasi marami din naman sila), o gaano ako kadalas makakapag-update... pero itutuloy ko po siya...
pasensya na po... :)
at pasensya na rin sa mahabang paliwanag...

(no subject)

Date: 2012-06-07 02:18 pm (UTC)
From: [identity profile] angelshill.livejournal.com
hi! just in case you're still interested in the story, posted na po ung latest chapter! :):):)
thanks! :)

http://angelshill.livejournal.com/51162.html#cutid1

Profile

angelshill: (Default)
angelshill

December 2020

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829 3031  

Most Popular Tags

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 6th, 2025 10:29 pm
Powered by Dreamwidth Studios