angelshill: (Default)
[personal profile] angelshill
TITLE: TRIP
LANGUAGE:
Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY:
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)
This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.
Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
CHAPTERS: Chapter1, Chapter2, Chapter3, Chapter4, Chapter5, Chapter 6, Chapter7, Chapter8, Chapter9, Chapter10, Chapter11, Chapter12,

Chapter13:

Angelo had a feeling that Bea was annoyed at something ever since nakita niya ito nang umagang iyon.

The moment he woke up, dinaanan niya agad ito sa kuwarto nito kung saan nakita niyang gising na nga ang babae at noon ay sinesermunan na nina Aling Ruby. He smiled and greeted her pero inirapan lang siya ng babae. He thought that it was simply because naabutan niyang sinesermunan ito, plus the fact that he was the one who had to get her home in her drunken state. Binulungan siya ni Mang Wally na baka daw defense mechanism lang iyon ng babae dahil nahihiya ito nang lasing na lasing niya itong naiuwi.

Throughout the whole day, wala actually sila masyadong interaction na dalawa ni Bea dahil na rin sa presence ng mga kaibigan nila na nandoon. For the most part, Bea was kept company by Barbie and Joy sa kuwarto nito samantalang sila naman nina Kris at Josh ay sa may pool na lang tumambay. Minsan lang niya actually nakaharap ang babae nang buong araw na iyon, at iyon ay noong bumamaba ang mga ito para sa pananghalian. And even then they didn’t even interact dahil sa dami ng tao.

Although napansin niya na tila iniirapan siya ng babae. Whenever he looks closely though, iba naman ang napapansin niya, lalo pa kapag nakikita niyang nagkakatinginan sina Barbie at Joy sabay mapapangiti. He actually thinks he saw Bea blushing, or at least, a hint of her blushing. At base sa mga tinging ipinupukol niya sa mga kaibigan lalo pa kapag magsasabi sina Barbie ng kahit na ano tungkol sa nangyari the night before, mukhang may running joke sa pagitan ng mga ito.

At base na rin sa nagtatanong na tingin nina Kris at Josh sa kanya, maging ang mga ito ay hindi rin aware sa kung anuman ang inside joke ng mga babae. Pero kung sa ngiti rin lang naman ibabase, mukhang nagka-ideya din naman ang dalawa eventually.

Other than during lunch though hindi na niya ulit nakita ang babae dahil nagkuta na ang mga ito sa kuwarto ni Bea, kahit hanggang noong umalis na ang lahat ng kanilang mga bisita. Up until then though, maging siya ay nagulat nang makita niya si Bea na nasa poolside na.

At kahit pa ang talagang plano niya ay dumiretso sana sa library, nakita na lang ni Angelo ang sarili niya na hinihila ang sariling mga paa patungo sa direksyon ng dalaga.

Maybe it was the effect of the light, or the reflection of the dark sky on the water, or maybe even the sweet serenity that seem to be floating in the air. Whatever it is, something definitely is pulling him there.

“Hindi naman kita ginugulat ah!” natatawa na lang niyang bulalas nanng makitang halos napatalon sa gulat ang babae sa biglaan niyang pagsasalita. He didn’t mean to scare her, not really.

Bea, who had turned around and saw him quite near, stepped away from him before she replied “Hindi daw nanggugulat… Eh anong tawag sa biglang pagsasalita out of nowhere?”

“Pakikipag-usap,” nakangiti pa ring sagot ni Angelo. Kahit naman kasi naninita ang reaction ng babae ay hindi naman nagmumukhang galit si Bea, nagulat lang siguro talaga.Besides, nakita na niya ng ganoon si Bea, back when the two of them just moved into the big house, nang mga panahong parang lagi na lang itong handang awayin siya. “Masyado lang kasi sigurong malalim yang iniisip mo.”

Bea simply snorted at him, not bothering to say anything in reply. Pinag-krus na lamang nito ang mga bisig sa harap ng kanyang dibdib at tinalikuran siya ng tuluyan.

“Kumusta ka na nga pala?” ani na lamang ni Angelo nang makita ang asta ng babae. “Okay na ba yung hang-over mo?”

It was really a question fully intended to show concern to the woman, pero iba ang pagtanggap ni Bea doon dahil umirap pa lalo ito.

“Wala akong hang-over!”

“At hindi ka din lasing kagabi,” nakatawa pa ring sagot ni Angelo. And while he prides himself of not being a chauvinist, he’d be the first to admit that he’s enjoying ribbing the woman. Nakakatuwa kasing pagmasdan ang mga reaksyon ng babae. “Seriously, I never expected na ganoon ka katinding uminom, I mean, with you being athletic and all that, akala ko isa ka sa mga advocates ng ‘No Vices’ campaign.”

“Haha! Funny!” sarkastikong turan lang ni Bea na matapos siyang pukulan ng isang matalim na tingin ay nagsimula nang maglakad palayo sa kanya, papasok ng bahay.

Angelo followed her movements curiously and in amusement. Usually kasi, sa mga hindi maiiwasang bangayan nilang dalawa, it’s usually him who has to back down, or out, para lang matapos ang diskusyon and those moments tend to happen kapag walang ibang bagay na makakaagaw sa atensyon nilang dalawa.

As far as his memory could go, iyon ang unang pagkakataon na si Bea ang unang lumayo.

Which also means, iyon din ang unang pagkakataon na nagpakita ng senyales ang babae na naaapektuhan ito sa kanya, o sa kung anuman ang sinabi niya.
-----

Bea didn’t really intend to be affected by Angelo’s words. Well, actually, she wasn’t, for the most part, affected by Angelo’s words.

Sanay siya sa mga bangayan nilang dalawa. Actually, hindi lang naman nilang dalawa eh. She’s used with the fight of words. After all, it’s no easy feat to win an argument with Barbie, or even her father for that matter, kapag hindi siya sanay sa labanan ng mga salita.

But the moment Angelo spoke up unexpectedly from behind her, hindi na talaga niya nabawi pa ang composure niya. Lalo pa nang banggiting nito ang tungkol sa nangyari nang nagdaang kagabi.

She does not hate reminders but she sure heated being reminded of how foolish she was the night before, even more so dahil may parte na ng utak niya na tinanggap nang si Angelo nga ang dahilan ng kabaliwan niyang iyon. Most of her still had not accepted that, pero meron nang maliit na boses, that voice na umayon na sa walang katapusang pagpaparinig nina Barbie at Joy, na nagsasabi at umaaming dahil kay Angelo kaya siya naglasing nang nakaraang gabi. Hindi nga lang niya alam kung bakit nga ba talaga pero inamin na ng parteng iyon ng utak niya na may kinalaman nga si Angelo doon.

And she kenw she just had to walk away bago pa siya madulas at maipagkanlulo niya ang kanyang sarili.
-----

Bea could only really feel greatful at the lunge of fresh air that met her the moment she stepped by the poolside that Sunday morning.

Kung tutuusin, malapit nang magtanghali noon, but aided with the number of trees surrounding the area, pati na rin ng mga halamang ayon kay Aling Ruby ay si Lola Lory mismo ang nagtanim, the place still had a soft breeze floating around it.

Kung tutuusin, kanina pa siya gising, kanina pa niya na-realize na fully recovered na siya sa epekto ng nagdaan niyang kabaliwan. Pero pagkabalik na pagkablik nila ni Mang Wally mula sa pagjo-jogging sa paligid ng subdivision, dumiretso na siya agad sa kuwarto niya at doon muna nagkulong. Fully recovered man kasi siya ay hind pa niya ‘feel’ na makaharap si Angelo, especially since Angelo, judging on what happened the previous night, ay nasa mood para asarin siya.

She actually only left her room when she heard no signs of him roaming around and about the house. Nakahiyaan naman niya kasing tanungin si Aling Ruby kung lumabas ba ang lalaki dahil ayaw naman niyang isipin ng matandang kasama nila na iniiwasan niya ito, or worse, na binabantayan niya ang galaw ng lalaki.

Personally, she was not in the mood to go out, kahit pa nagpahiwatig si Barbie na gusto nitong lumabas. She just wanted to lounge around.

She had just closed her eyes to savor the feeling of freedom na dala sa kanya ng hangin when she had this sudden feeling that someone was watching her.

And true enough, when she opened her eyes, she saw that she was right.

A few feet in front of her, with his body half-submerged in the water and his chin resting on his arm by the edge of the pool, was Angelo. And he was watching her.

“Anong ginagawa mo diyan?!” hindi niya maiwasang sitahin ang lalaki as she jumped in surprise. Hindi niya narinig ang pagtatampisaw ng lalaki sa tubig.

“Lumalangoy,” pa-pilosopong sagot ni Angelo habang ina-angat ang sarili sa tubig. Bea saw that the guy was just wearing a pair of swimming trunks, nothing more. And while hindi sculpted ang katawan ng lalaki, hindi ito mataba.

It was just about right actually, it gave the sight and feeling of it being perfect without doing much of an effort. Parang ang sarap nitong hawakan at yakapin.

Saglit na ipinilig ni Bea ang ulo, maging siya ay hindi makapaniwala sa mga sumasagi sa sarili nyang isip.

When she looked back at him though, it didn’t do much good, lalo pa dahil ang ganda ng epekto ng mga butil ng tubig na dumikit sa balat ng lalaki. Angelo wasn’t tanned, but he had a really good skin tone. And the effect of the sun hitting his skin was just majestic.

And Bea just couldn’t help but snort as she looked away from the guy.
-----

“Ba’t hindi mo ako samahan?” Angelo had invited nang makaahon na siya. He always loved swimming, it was one of the few perks in the big house na nakita niya nang i-insist ni Lola Lory na doon na sila tumira.”Masarap yung tubig.”

“I’d rather not,” Bea replied, looking away from him.

“Seriously,” he insisted, playing on the knowledge that the woman favor’s exercises. “Healthy ang swimming, maganda ang epekto niya sa katawan.”

The smile Bea had on was a little wry. “Like I said, no thanks.”

Angelo shrugged, noting that Bea seemed to still be a bit testy, he was just about to let it go when he found himself murmuring, in what could be considered a stage murmur dahil malakas din naman ito, “Sungit!”
-----

Bea had half a mind to head back in again nang marinig niya ang tinuran ng lalaki.

With respect to him, maaari ngang ikonsidera na nagsu-sungit siya rito since the previous night but really, rightful or not, no one tells Ma. Beatrice Binene na masungit siya and not hear anything in reply.

Looking over the guy quickly, she ended up saying “Pandak!”

The moment the word left her lips, she was almost worried that Angelo would feel offended, after all, medyo below the belt din nga naman ang balik niya sa biro ng lalaki. But Angelo didn’t seem offended. In fact, tumawa lang lalo ito.

“Masungit!” mas malakas na ang boses na balik nito sa kanya.

It was almost like a child’s play and it was a game that Bea is really quite good at.

“At least ako, may pag-asa pang bumait, pero ikaw, wala ka nang pag-asang tumangkad pa!” she told the guy, complete with a matching smirk.

“Ah ganun,” Angelo started slowly and Bea saw him walking purposely towards her. He didn’t look to her like he’s angry, pero mukhang may masama itong binabalak sa mga pagkakataong iyon.

Bea stepped back slowly, not taking her eyes of the guy’s movement, mimicking the speed of his steps. Nang mapansin niyang binilisan na nito ang paglalakad, Bea turned around to make a run for it.

She wasn’t afraid of what the guy could do to her. Napatunayan naman na nilang dalawa na kaya niya itong patumbahin gamit pa lang ang mga kaalaman niy sa wushu. But she was afraid of something all right, hindi nga lang niya alam kung ano yung ‘something’ na iyon hanggang naglapat ang balat nilang dalawa.

There was some sort of a current that passed through their skin the moment he caught her, dahilan para mapaigkas siya ng wala sa oras. At dahil na rin nasa gilid lang naman siya ng pool, mabilis siyang nawalan ng balance at nahulog sa tubig. Kasama ang lalaki.

Hindi actually alam ni Bea kung ano ang eksaktong nangyari pagkatapos noon. Basta ang alam lang niya ay nag-iigkas at naggagagalaw siya para hindi siya lubusang lumubog. Hindi niya maidilat ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay mapuputulan na siya ng hininga.

It was one of the anomalies about her actually. In all her life, she never, ever learned how to swim. Napaka-athletic niyang tao pero tila may kung anong takot sa puso niya every time she even thinks of swimming. Matagal na siyang sinasabihan ng daddy niya na pag-aralan ang lumangoy pero lagi na lang niya iyong ipinagpapaliban.

And with her feet not reaching the bottom of the pool while her head is above the water, Bea couldn’t help but feel regret na hindi niya sinukuang matutunan ang paglangoy. Akala nga niya ay katapusan na niya. Buti na lang at may nakapitan siya bago pa siya mawalan ng ulirat.

When she finally opened her eyes, she recognized what, or who, she was clinging to.

Angelo.

“Oh, anong nangyari sa’yo?” bulalas nito.

Dinig na dinig ni Bea ang amusement sa tono ng binate bagamat naroon din naman ang concern sa kalagayan niya kasabay ng malamang ay instinctive nang paggalaw ng braso nito para suportahan ang baywang at likod niya. And while the action would have made everything uneasy dahil na rin sa masyadong pagkakalapit ng mga katawan nila, Bea didn’t care. Bagkus nga ay iniyakap pa niya lalo ang bisig sa leeg ng lalaki at pinili na lamang na huwag sagutin ang lalaki, lalo na rin dahil nanginginig pa rin siya.

“Don’t tell me,” tuloy nito nang hindi pa rin siya sumasagot. “Hindi ka marunong lumangoy?” natatawang dagdag nito.

“Hindi nakakatwa!” may bahid na iritasyong sagot ni Bea sa lalaki, iritasyon pareho kay Angelo at sa kanyang sarili.

“22 ka na ah! Hindi ka pa rin marunong lumangoy?” tuloy pa rin nito.

“Tumigil ka Angelo Jake! Kung hindi, malilintikan ka sa akin pag-angat natin sa lupa,” pinili na lamang ni Bea na ibanta sa lalaki sa halip na patulan ang sinasabi nito. May punto din nga naman kasi ang lalaki.

“Nasa tubig tayo, wala sa lupa,” pagdidiin ni Angelo. “At dahil nasa tubig tayo, hindi ka makakakontra sa kung anumang sasabihin ko,” dagdag pa nito sabay hapit sa kanyang baywang.

For a split second, Bea seriously considered pushing the guy away. Pero dahil nga nasa tubig sila, humawak pa siya lalo sa lalaki.

“So, kapag nasa tubig pala tayo, masasabing hawak ko ang buhay mo,” anang natatawang si Angelo.

Bagaman nanggangalaiti na sa inis, hindi naman talaga maka-kontra si Bea dahil na rin sa takot niyang bitawan siya ng lalaki. Wala pa siyang planong malunod.

“Alam mo, ang cute mo pala kapag naiinis ka,” tila nang-iinis pang dagdag nito.

Hindi rin naman mapigilan ni Bea ang hindi lumaban. Naialis na niya ang kamay mula sa pagkakayakap sa leeg ng binata para sana suntukin ito nang biglang ibulalas ni Angelo ang “Oh! Nasa malalim tayo!”

“Humanda ka sa akin kapag naka-ahon na tayo!” banta na lang ni Bea na ibinalik mula ang pagkakayakap sa leeg ng lalaki. Pinilit din niya ang sarili na huwag munang maggagagalaw. Napansin niya kasing lalo silang napapagitna dahil sa kakagalaw niya.

There was no way she could have expected the turn of events that lead them to being in that situation. At lalo namang hindi niya inasahang marinig ang sumunod na sinabi ng lalaki.

“Eh paano kung sabihin ko sayong dito lang tayong dalawa buong maghapon?” balik-tanong ni Angelo.

At bagaman alam ni Bea na nagbibiro lang ang binata at iniinis lang siya nito, Bea found herself looking into his eyes and saw that some part of him was actually, seriously, considering it. Nahigit na lamang niya ang kanyang hininga.

Damn those eyes of his!
-----TBC-----


buhay pa pala ako???? lol...
musta naman?
okay ba o hindi na??? :D
This account has disabled anonymous posting.
If you don't have an account you can create one now.
HTML doesn't work in the subject.
More info about formatting

Profile

angelshill: (Default)
angelshill

December 2020

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829 3031  

Most Popular Tags

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 15th, 2025 12:48 am
Powered by Dreamwidth Studios