writing is my hobby... haaayz
Sep. 20th, 2011 02:07 am![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
Honestly speaking, na-post ko na tong story na to elsewhere...
a forum, in particular...
but i feel like compiling all my works here so... :D
TITLE: BACK STORY
LANGUAGE: Filipino
GENRE: RL
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
AUTHOR'S NOTE: nasulat lang dahil nag-trip ang imagination ko at na-inspire ng certain interview ng Jhabea... :D
Nakayuko lang noon ng ulo si Jake habang tumitipa sa kanyang gitara. Kasalukuyan silang nasa loob ng GMA building dahil sa katatapos lamang nilang i-shoot ang ilan sa pinaka-huling promotion videos para sa Tween Academy movie nila at hinihintay pa nila ang pagdating ng coaster na magdadala naman sa kanila sa kanilang susunod na lokasyon, isang mall show.
Kanya-kanyang kaguluhan ang mga kasamahan niya sa kanyang paligid, may naglalaro, may nagsa-sound trip, at meron namang nagku-kuwentuhan lang. Madalas sumasali naman siya sa mga ito pero minsan, mas gusto niyang sa isang tabi na lang, sa sarili niyang mundo kasama ang kanyang gitara.
Pero dahil nga sa dami ng taong nakapaligid ay hindi rin maiiwasang may mga taong pumapasok sa mundo niyang iyon, hindi man niya imbitahan ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, si Kristofer ang biglang nagpakita.
"Uy, Mr. Musician, nag-iisa ka na naman diyan," biro nito pagkaupong-pagkaupo nito sa kanyang tabi. "Wala ka ba sa mood sumali sa kaguluhan?"
"Mamaya na," ngiti ni Jake. "Baka ako naman ang maubusan ng energy kapag nakipagsabayan ako sa inyo eh."
"Hindi naman siguro," tawa ni Kristofer bago nito iyon binawi ng iling sabay sabing "Pero kung si Derick ang sasabayan natin, malamang upos na tayo bago pa man 'yung susunod na show."
Bago pa man matapos ni Kristofer ang sinasabi niyang iyon ay pumailanlang sa ere ang malakas na tawa ni Derick mula sa isang gilid kung saan sila naglalaro nina Lexi, Joshua, at Barbie, dahilan upang mapalingon sa mga ito sina Jake at Kristofer at mapatawa na lang.
Mayamaya ay tumahimik na silang dalawa, katahimikang binasag ni Kristofer nang sabihin niyang "Tol, pwedeng magtanong?"
"Ano yun?"
"Curious lang," pauna ni Kristofer. "Siyempre, magkakasama naman tayong lahat di ba? May gusto lang akong malaman."
"Ano nga 'yun?" tanong ni Jake na tumingin sa kaibigan at bahagyang natatawa na. "Parang mabigat yan ah. Ang haba ng intro mo eh."
Si Kristofer man ay natawa din sa sarili bagamat sandali lamang.
"Naaalala mo yung interview ninyo ni Bea sa Startalk. Yung para sa 'Pahiram'," anito. "May napansin kasi ako nun, at ilang beses ko nang binalikbalikan yung video na iyon sa Youtube--"
"Ha?" gulat at natatawa pa ring pahayag ni Jake. "Nasa Youtube na iyon agad?"
"Mabilis ang fans ninyo eh," ngiti ni Kristofer. "Anyway, balik tayo dun sa sinasabi ko. Iyon nga, pinanood ko iyon ng ilang beses para lang i-confirm, lalo na dun sa part na tungkol na sa daddy ni Bea."
"Anong tungkol dun?" tanong ni Jake.
"Kasi, nung umiiyak si Bea, napansin ko," tuloy ni Kristofer. "Nakangiti ka nun."
Nanatiling tahimik si Jake ng ilang segundo pagkarinig sa sinabing iyon ng kaibigan lalo pa't hindi niya maintindihan kung alin doon ang tinatanong nito. Naintindihan na lamang niya nang makita ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.
"Teka, nag-aalala ka na baka hindi ako concerned sa pinagdadaanan ngayon ni Bea?" tanong niya.
Bagama't halatang nahihiyang umamin, tumango na rin si Kristofer. "Kaibigan ko kayo pareho. Tapos siyempre, ikaw pa ngayon 'yung nag-iisang lalaking palagi lang nandiyan sa tabi niya. Sabi ko nga, na-curios lang ako."
"Huwag kang mag-alala" ngiti ni Jake. "Hindi naman ako indifferent sa nararamdaman niya eh. Kaya nga ako nakangiti nun para sa kanya."
"Ano?"
"Ganito kasi yun," simulang paliwanag ni Jake. "Noon kasi nung grabe kong prinoproblema pa yung kalagayan ni mama, madalas sabihin sa akin ni Beanca na ngiti naman daw ako kahit papano. Na kapag wala daw akong makitang dahilan para ngumiti, tingin daw ako sa kanya tapos pangi-ngiti-in niya ako. Naisip ko, time naman ngayon na siya ang pa-ngiti-in ko. Kaya ako nakangiti nun, para ipaalala sa kanya na andun ako sa tabi niya."
Tahimik lang si Kristofer na napapangiti habang nakikinig sa kanyang tinuran. Magsasalita na sana ito nang bigla nilang narinig ang isang boses na tumawag sa kanyang pangalan.
"Kris!" tawag ni Louise. "Kanina ka pa hinahanap ni Joyce, patay ka!"
"Ha?!" bulalas ni Kristofer na halatang biglang nag-alala. "Ah, eh, oo! Pag nakita mo, paki-sabi sunod na ako."
Tatayo na sana ito nang si Jake naman ang nagsalita. "Tol, di ba may plano ka pa lang na ligawan si Joyce kung sakali?"
"Ha? Oo," sagot ni Kristofer. "Bakit?"
"Wala," tawa ni Jake. "Nakikinita-kinita ko na kasi na kapag naging kayo, andres de saya ka."
Napasimangot bahagya si Kristofer, magsasalita na sana ulit ito nang may pangalawang boses ng babae silang narinig.
"Angelo," tawag ni Bea. "Tara na, dumating na 'yung sasakyan."
"Oo," sagot agad ni Jake sabay abot sa guitar case na nasa tabi lang niya bago tumayo. "Sige, andiyan na."
Si Kristofer naman ang napatawa sa pagkakataong ito.
"Madalas ninyong sabihing trabaho muna kaya wala pang plano sa mga ligawan na ganyan," anito habang naglalakad sila patungo sa direksyon ng naghihintay na si Bea. "Pero ngayon pa lang tol, under ka na."
"Hindi ah," mabilis na sagot ni Jake.
"Sabi mo eh," sagot naman ni Kristofer na natatawa pa rin at halatang hindi naniniwala.
"Anong meron?" tanong ni Bea na noon ay naabutan na nila.
Nagkatinginan muna ang dalawang lalaki bago nila sabay sabihing "Wala."
"Ha?"
"Wala nga," ani Jake sabay akbay sa babae. "Huwag mong pansinin yang si Kris. May atraso lang ata kay Joyce eh. Tara na."
-----THE END-----
trip lang... :D