angelshill: (Default)
[personal profile] angelshill
TITLE: TRIP
LANGUAGE: Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY:
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)

This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.

Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
Chapters: Chapter1, Chapter2

“I want you two to live in one house.”

That simple statement shook the otherwise neutral atmosphere on the dining table. All things considered, masasabing napakalaking himala na walang nangyaring talikuran at walk-out nang maabutan ni Bea sa hapag-kainan ang mag-lola at inimbitahan ito ni Lola Lory na sumalo na sa kanila. It was an even bigger miracle na para sa dalawang taong ipinagkasundo sa isa’t isa ay nagpaka-civil sina Angelo at Bea sa pakikitungo sa isa’t isa. They even had polite conversations, walang galit o kahit anupaman, but then ofcourse, maaaring sabihing dahil lang iyon sa nandoon si Lola Lory at kasama nila.

Sabagay, hindi rin naman iyon maiiwasan, especially dahil hindi naman nababanggit ang tungkol sa big revelation ng gabing iyon. Up until that point, that is.

“Ano?!” bulalas ni Angelo na nakakunot pa ang noo.

“Hijo, bakit ba simula pa kagabi eh nabibingi ka na?” medyo nakatawang sita ni Lola Lory na tumingin pa sa apo niya.

Bea, and even Angelo himself, would have found it amusing too kung hindi lang dahil sa gulat pa sila sa biglaang sinabi ng matanda.

“Lola, alam nyo ba ang sinasabi ninyo?” bulalas ni Angelo matapos umiling saglit.

“Gusto ho ninyo na tumira kaming dalawa sa iisang bahay?” ani naman ni Bea

“Oo, gusto kong magsama kayong dalawa sa iisang bubong,” tango ni Lola Lory. Nang makita nito ang gulat at disbelief sa mukha ng dalawa, idinagdag nitong “Oh, bakit? Ba’t parang gulat na gulat kayong dalawa?”

Ipinilig saglit ni Angelo ang kanyang ulo bago ito nagsalita.

“Lola,” simula nito. “Kayo mismo ang nagsabi kagabi lang na nabubuhay pa kayo sa nakaraang milenyo, na old fashioned kayo. Tapos, heto kayo at sinasabing gusto ninyong tumira kaming dalawa sa iisang bahay?! Ang gulo naman ata!”

“Hindi naman ako ang titira sa bahay na iyon di ba?” nakangiting pamimilosopo ni Lola Lory. “Kidding aside, alam ko na hindi normal ang sitwasyon ninyo ngayong dalawa. Ipinagkasundo namin kayo pero hindi ninyo kilala ang isa’t isa. This is why I think magandang ideya na tumira kayong dalawa sa iisang bahay, para makilala nyo ang isa’t isa.”

“Isa pa ay wala ka rin lang namang masyadong gagawin kapag nandito ka,” dugtong ni Lola Lory na lumingon naman kay Bea. “Mabilis kang magsasawa kaya sa palagay ko eh mas makabubuti sa’yo na sa Maynila ka. Manny agrees. We’re not saying na magsama kayong dalawa sa iisang kuwarto. We’re not even rushing ang tungkol sa pagpapakasal ninyo. We are willing to wait for you two to settle things between the two of you before the big wedding.”
-----

Muntik-muntikan nang manlumo si Angelo sa naririnig mula sa lola, lalo na sa analysis at reasoning nito na bagaman alam niya na may pagka-baluktot ay hindi naman niya mai-pinpoint kung sang banda specifically iyon mali. Akala niya ay makakahinga na siya ng maluwag dahil ayon na nga rin kay Lola Lory ay hindi naman minamadali ang tungkol sa kasal na iyon pero heto na naman at may bago na namang ‘hitch’ sa usapan.

Kung tutuusin, sa mga oras na iyon, iisa na lang ang nakikita ni Angelo na paraan at dahilan para makalusot silang dalawa ni Bea. Hindi man niya kilala ng husto ang babae ay nakikita naman nyang tutol din ito sa gusto ng ama nito at ng kanyang lola.

“Lola,” simula niya. “I get your point. Hindi ko man gusto pero nage-gets ko ang gusto nyong mangyari.”

Sa puntong iyon pa lang ay kita na ni Angelo ang ngiting sumilay sa labi ng kanyang lola at ang gulat at hindi makapaniwalang expression naman sa mukha ni Bea.

“Pero,” mabilis niyang dagdag bago pa man may makasingit sa kahit sino sa dalawang ito. “In case hindi ninyo naalala, bachelor’s pad po ang tinitirhan ko sa Manila. Iisang kuwarto, no, iisang floor lang yun. Walang kuwarto-kuwarto at sapat lang ang space para sa isang tao. There’s no way na titira kaming dalawa na magkasama sa pad ko. I don’t think Tito Manny would agree at maging kayo, once na napag-isipan ninyo ito ng seryoso ay hidni nyo rin gugustuhin na doon kaming dalawa tumira.”
-----

Bea went from wanting to throttle Angelo to wanting to clap for the guy matapos ang sinabi nitong iyon. Akala niya matapos marinig ang unang sinabi ng lalaki ay tatango na ito at susunod na lang sa lola nito lalo pa’t mukhang Lola’s boy ito. Pero matapos niyang marinig ang idinagdag ng lalaki ay na-realize niyang nagpasakalye lamang ito.

Ayaw man niyang maging masyadong obvious ay hindi pa rin mapigilan ni Bea na tumingin kay Lola Lory expectantly. May punto man kasi ang matanda ay masasabi naman niyang mas may punto ang binata, at hindi lang iyon dahil biased siya. Pero kung inaasahan niyang magpakita man lang ng lungkot o kahit pagkadismaya ang matanda sa naging rebuttal ng apo nito, nabigo siya.

Nakangiti pa rin kasi si Lola Lory.

“Eh ano naman ang ginagawa ng malaking bahay natin sa Manila?” sagot ni Lola Lory. “Mabuti nga iyon kasi magkakaroon ng kayo ng tsansa na magkakilala nitong si Bea, may titira na pa sa bahay nating iyon. Ewan ko ba naman kasi sa inyong lahat! Ang dami-dami ninyong sa Manila nakatira pero bakit wala sa inyong may gustong doon sa bahay na iyon tumira!”

“Teka lola,” simula ng lalaki na halatang natigilan bigla. “Sariling pundar ko yung pad na iyon. Hindi galing sa inyo o sa kumpanya. You can’t take that away from me.”

“And I’m not,” simpleng sagot ni Lola Lory. “You could just move some of your things in your pad sa bahay. Sa’yo pa rin naman ang pad na iyon, sa bahay ka na nga lang titira.”

“At maliban sa kadahilanang gusto ninyong magkakailala kami ng babaeng ipinagkasundo ninyo sa akin, bakit ako papayag na doon tumira eh pwede naming sa pad ko na lang ako?”

Some part of Bea understands that sudden statement coming from the guy. For most of the conversation ay in control ang lalaki sa sarili nitong emosyon at sa puntong iyon pa lang medyo nawalan ng control sa sarili when in fact, kung siya ang nasa kalagayan nito ay kanina pa siya nawalan ng control at nakapagsabi ng kung ano. Pero nanaig ang biglang pagpantig ng tainga niya sa sinabi ng lalaki, partikular na sa pagtukoy nito sa kanya.

Sure, ang katagang ‘ang babaeng ipinagkasundo ninyo sa akin’ is exactly who she is sa buhay ng lalaki pero hindi niya nagustuhan ang naging dating niyon sa kanyang pandinig. Obviously, the guy does not like their situation, pero maging siya naman ay gayun din. And it sounded to her that he thinks na ito lang ang nag-iisip ng paraan para makaiwas sa sitwasyon nila. Like he thinks she’s just going to be a follower in their scenario.

Bea, of course, wouldn’t agree. She wasn’t born as just a simple follower. She was born to lead her own life.

At habang nagpupuyos sa inis at iritasyon ang dibdib niya, nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Lola Lory na bagman hindi galit ay halata naming naging seryoso na.
-----

Sabi nila, wisdom comes with age daw, hindi iyon plinaplanong kontrahin ni Angelo. Pero gusto niya iyong madagdagan. Hindi lang naman kasi wisdom ang naipon ng lola niya sa paglipas ng panahon.

Pati tigas ng ulo.

Kaya nga kahit ano pa ang gawin o sabihin nilang dalawa ni Bea, nakita pa rin nila ang kanilang mga sarili sa harap na mismo ng malaking bahay nila sa Maynila nang hapon ding iyon. At hindi lang pala katigasan ng ulo, pati pagkatuso. Maliban kasi sa pinauna ni Lola Lory na kasambahay doon ay nagpasama pa talaga ito ng driver nang luluwas na silang dalawa, si Mang Wally.

Ayaw nga sana niya pero wala naman na siyang magagawa lalo pa dahil idinahilan ng kanyang Lola na para daw hindi siya mapagod sa pagdri-drive pabalik at para na rin may makasama si Bea sa mga lakad-lakad nito habang siya ay nasa opisina. Alam naman niya na totoo ang mga iyon pero sa loob-loob niya ay alam din niya na paraan iyon ng kanyang lola para siguruhin na sa malaking bahay nga talaga ang punta nila.

Bago pa man sila makarating sa Maynila ay ipinagpasalamat na niya kahit papaano ang parteng iyon ng kalokohan ng kanyang lola. Kalog kasi at palabiro ang kalbong si Mang Wally at kahit papaano ay napapangiti nito si Bea na mula pa nang umalis sila ng probinsya ay ang tigas-tigas kung makatingin sa kanya. Inisip na lang ni Angelo na personal na paraan iyon ng babae para ipakita sa kanya na ayaw nito sa pagkakasundo sa kanya. Sinabi na lang tuloy niya sa kanyang sarili na okay lang, dahil ayaw din naman talaga niyang makasal sa babae pero hindi niya maitatanggi na medyo amused at curious siya dahil hindi naman mukhang galit sa kanya si Bea nang umagang iyon.

“Angelooooo!!!” hindi magkamayaw na pamilyar na tili ang bumati sa kanya pagkababang-pagkababa niya ng sasakyan sa harap ng mansion.

Napangiti na rin si Angelo nang sugurin siya ng yakap ng pinaunang kasambahay ni Lola Lory, ang chubby na matagal nang kasama ni Lola Lory sa mansion.

“Aling Ruby!” bati niya na niyakap din ang babae na isa sa mga pinaka-close niyang kasambahay ng kanyang lola. “Akala ko po na kina Tito Zoren kayo? Ano pong ginagawa ninyo dito?”

“Aba siyempre! Nagprisinta agad ako nang maghanap ang lola mo ng makakasama ninyo dito!” proud nitong sagot. “Natuto naman na kasi yung trini-train kong kasama ng mga Tito mo. At alam mo naman, basta ikaw, go agad ako!”

“Kayo ho talaga!” nakangiting iling na lang ni Angelo.

Malaking tinik ang nabunot sa dibdib niya nang makita ito. Isa kasi sa mga dahilan kung bakit simula pa lang ay ayaw na niyang tumira sa bahay na iyon ay dahil kakailanganin niya ng kasama. Ayaw na ayaw kasi niyang tinatawag na ‘sir’ dahil sawa na siyang naririnig iyon sa opisina. At sa experience niya, ito pa lang sa mga kasama nila ang nagkaroon ng confidence na pagbigyan siyang Angelo na lang talaga ang itawag sa kanya.

Ngumiti lang sa kanya si Aling Ruby bago ito humarap sa noon ay pababa pa lang na si Bea.

“Aaaay! Ikaw na ba si Miss Bea?!” anito na nalalaki pa ang mata sa paghanga. “Wow! Dalagang-dalaga ka na ah! Ang ganda-ganda mo! Parang ako!”

Natuwa naman si Angelo nang makitang napangiti ang babae.

“Ay, thank you po!” ani Bea. “Hello po!”

“Ako si Aling Ruby,” simula nang matanda na lumapit na sa babae at iginiya papasok. “Tara na sa loob para makita mo!”

Hindi mapigilan ni Angelo na mailing na ewan habang pinagmamasdan ang dalawa. Mukhang makakasundo naman ni Bea si Aling Ruby at makakatulong iyon para mapagaan ang magiging buhay niya habang naroroon ito. Alam naman kasi niya na hindi makakaalis ang babae hangga’t hindi pa sila nakakahanap ngparaan para maka-alis sa kasunduan kaya tanggap na niyang makakasama na muna talaga niya ito sa bahay.

Hindi nga lang siya lubos na makapaniwala na iniwan siya ni Aling Ruby na self-proclaimed na siya ang paboritong tao sa mundo para sa babae.

Napukaw na lang ang kanyang atensyon nang biglang magsalita si Mang Wally sa bandang likuran niya.

“Tara na sa loob Sir Angelo?” tanong nito.

“Angelo na lang po...” simula nia habang nililingon ang lalaki saka na lang siya bahagyang natawa nang makitang sinubukan nitong buhatin lahat ng gamit nila papapsok. Iisa lang man kasi ang bag niya ay nakailan din si Bea maliban pa sa mga ipinadala sa kanila ni Lola Lory. “Tulungan ko na po kayo,”prisinta niya.

“Salamat Si—ah! Angelo,” muntik nang masamid na sagot ng lalaki.
-----

“So, how do you find your room?”

Muntik nang mapatalon sa gulat si Bea nang marinig ang tinig na iyon. Nasa may mini-terrace siya noon sa kuwarto mismong ipinagamit sa kanya at katatapos lang na iakyat ni Mang Wally ang lahat ng mga bag niya. Naisipan niyang mag-sightseeing muna bago dumating si Aling Ruby na nangakong sasamahan siyang mag-ayos ng mga gamit niya.

The sight of the guy before her, already dressed in a set of jerseys, would have been quite breathtaking if not for the fact na nakatanim pa rin sa isip ni Bea ang iritasyon sa lalaki.

But she wasn’t a girl without manners. Hindi siya pinalaking ganoon ng kanyang ama, and so, hindi niya in-ignore ang binata.

“Very nice,”pormal na sagot niya. “Maganda yung room at yung view.”

“Good,” patango-tango lang na sagot ng lalaki. Noon napansin ni Bea na hindi naman talaga pangangamusta ang dahilan kung bakit nandoon ang binata. Nahinuha na rin niya kung ano ang maaaring gustong pag-usapan nito pero wala siya balak buksan ang topic na iyon para sa lalaki.

“Ahm... About that agreement,” maya-maya ay simula na rin ng binata. “We need to talk.”

“That wasn’t our agreement,” simpleng pahayag ni Bea. “Pareho nating alam na hindi tayo agree sa usapang iyon. But we also know na wala pa tayong magagawa sa ngayon. I know that you and I both know we can’t get out of this agreement ng basta-basta at na kailangan nating gumawa ng paraan eventually. Pero habang wala pa tayong naiisip, let’s make it simple, you go your own way and I’ll go to mine,” hindi mapigilan at dire-diretso nitong pahayag.
-----

While he was in agreement with whatever the woman said, hindi pa rin mapiglan ni Angelo na mapataas ang kilay matapos ang litanya ng babae.

“Easier said than done,” aniya kapagkuwan.

Personally, alam niya na malaking part kung bakit sinabi niya iyon ay para lang kontrahin ang babae. Wala man kasi siyang problema sa mga assertive na babae, hindi niya gusto ang mga babaeng bossy. At sa ngayon, bossy ang tingin niya sa babae.

“This is a big house,” kibit-balikat ni Bea. “I don’t think it’d be a problem.”

“Pero habang nandito ka, kargo kita,” sagot niya na nagkibit-balikat din. “I’d be responsible for you bilang lalaki, bilang nakakatanda, and, for the moment, bilang magiging asawa mo. Kaya dapat, lahat ng gagawin mo, lahat ng pupuntahan mo, lahat alam ko.”

“What?!” bulalas ni Bea.

“Those are the facts, those are my rules,” ani Angelo habang pilit na itinatago ang tuwa sa naging reaksyon ng babae. “I’m not being a chauvinist. Pareho nating alam na sa akin ka iniwan pareho ng daddy mo at ng lola ko. Paano ako sasagot sa kanila kung hindi ko alam ang mga nangyayari sa’yo?”

Saglit na natahimik ang babae bago mayamaya ay “I can take care of myself,” madiin nitong sagot.

Angelo almost wanted to snort. “We don’t know that. Practically, I don’t know that,” aniya.

Kitang-kita niya kung paanong sa maikling sagot niyang iyon ay nag-flare ang mata ng babae. Mayamaya ay naglakad na ito papalapit sa kanya. Nang nasa arms-length na lang siya ay saka pa lang ito nagsalita.

“Let me prove it to you.”
-----TBC-----


chapter 3~~~!!!
yes!!!
like nyo po?
comment naman jan! ahehehe :D

Profile

angelshill: (Default)
angelshill

December 2020

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829 3031  

Most Popular Tags

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 20th, 2025 07:19 pm
Powered by Dreamwidth Studios