angelshill: (Default)
[personal profile] angelshill
TITLE: TRIP
LANGUAGE:
 Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY:
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)
This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.
Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
CHAPTERS: Chapter1Chapter2Chapter3Chapter4Chapter5Chapter 6Chapter7Chapter8Chapter9Chapter10,Chapter11Chapter12Chapter13Chapter14Chapter15, Chapter16,

Chapter 17



“Sigurado ka?” halatang hindi naniniwalang bulalas ni Barbie matapos ilahad ni Bea rito at kay Joy ang mga pangyayari sa opisina nang mga nakaraang araw.

Nasa isang café sila sa mall noon kung saan niya pinili na makipagkita sa dalawang babae para naman maiba lang. Ayon kay Angelo, para din daw malibang siya dahil baka daw nababagot siya sa opisina. Bagaman hindi naman siya nababagot doon, hindi na lang niya iyon kinontra. Nag-eenjoy man kasi siya sa company ni Mrs. Reynes, hindi niya nagugustuhan ang mga kakaibang tingin na ipinupukol ng ilan sa mga babaeng nagta-trabaho doon. Ayon kay Mrs. Reynes, mga ‘croonies’ daw iyon ni Alexis. And with Angelo out of the office for most of the day for client meetings, nagdesisyon siyang lumakad na lang kasama ang dalawang kaibigan at siyempre, ni Mang Wally.

Partikular sa huling ikinuwento niya sa dalawa ay tungkol sa naging usapan nila ni Elmo, lalo na ang paga-assure nito sa kanya na wala siyang dapat ipagselos umano kina Alexis at Angelo at sa sinagot niya sa assurance nitong iyon.

“I mean,” tuloy ni Barbie na hindi alintana ang matalim na tingin na ipinukol ni Bea sa kanya. Si Joy naman ay nagpipigil lang ng tawa. “If it was me at may babaeng aali-aligid sa fiancé ko? Aba! Magkakagulo sa earth kasehodang friends pa sila kuno!”

Napailing na lang si Bea sabay higop ng mainit na tsokolate.

“You’re forgetting, Angelo and I didn’t choose to be in this situation,” aniya. “Those kinds of reactions and emotions don’t apply.”

“At bakit?” taas-kilay na tanong ni Barbie.

“Ipinagkasundo lang kami remember?” sagot ni Bea. “Walang any sort of attachment sa pagitan naming dalawa.”

“Talaga lang ha,” hindi pa rin naniniwalang ani Barbie na napasandal na sa likod ng inuupuan niya, halatang disappointed sa mga sagot niya.

“Oo naman!” ngiti ni Bea. “Di ba nga nagkasundo na kami na gagawa kami ng paraan para makaalis sa kasunduang yun?” pagmamalaki pa niya.

Pero sa halip na mapatigil lalo si Barbie ay ngumiti ito.

“Speaking of which, kumusta naman yun?” anito. “May developments ba?”

Si Bea naman ang natigilan this time around. Bagaman at marami na rin naman na silang napag-uusapan ni Angelo tungkol sa mga pang-araw-araw nilang buhay, hindi naman nila napag-uusapan na ang tungkol sa plano nilang paghahanap ng paraan para makaalis sa kasunduang nagbubuklod sa kanilang dalawa.

“We’re…” simula ni Bea bagaman ay hindi naman niya talaga alam kung ano ang sasabihin, pero nang makita niya ang nakakalokang ngiti ni Barbie na dinagdagan pa ng ngiti din ni Joy, napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng karagdagang katuwaan ang dalawa, not on her expense at least. “We’re working on it.”

“Yeah, sure…” sarkastikong sagot ni Barbie. Tinitigan lang ito ng masama ni Bea, warning the girl to drop the issue.

To the rescue naman si Joy sa usapan nilang dalawa nang bigla itong magsalita although hindi rin naman masabi ni Bea kung towards a better topic nga ang piniling puntahan ng babae.

“Sabi ni Kris, crush na daw dati pa ni Angelo yung Alexis,” anang babae. “Kahit noong nagsisimula pa lang sa company si Angelo at newbie yung si Alexis.”

“Talaga?!” hindi makapaniwala at halatang disappointed na tanong ni Barbie.

Maging si Bea ay pansumandaling natigilan sa biglang sinabi ni Joy. Bagaman kasi nahahalata naman niya na may ‘something’ sa mga tingin din ni Angelo sa babae, hearing Joy say na galing ito kay Kris made the suspicion concrete. After all, kung kay Kris nga niya ito nalaman, malamang ay sinabi iyon ni Angelo kay Kris, at kung hindi man mismo kay Kris ay kina Kris at Josh o kung hindi man ay kay Josh na siya namang nagkuwento sa matalik nitong kaibigan.

“Sabi pa niya, hindi naman daw pinapansin nung Alexis si Angelo dati,” tuloy ni Joy. “More off binabalewala pa nga daw kung tutuusin.”

Bumuka ang mga bibig ni Barbie para sana magsalita pero bago pa man nito masabi kung ano ang gusto nitong sabihin, nagsalita na si Bea, na maliban sa katotohanang gusto niyang ibahin ang issue, ay may nahalata sa sinabing iyon ni Joy.

“Teka nga,” aniya. “Kailan, bakit, at papaanong napagkuwentuhan ninyo ni Kris ang tungkol sa bagay na yan?” makahulugang ngiti niya.

Hindi naman iyon napansin ni Joy na abala noon sa pagpili ng slice sa carrot cake na binili nila.

Nagkibit-balikat pa nga ito sabay sabing “Tumambay sa bahay kahapon ang mokong. Madaling araw na nga nakauwi eh, kaya hayun! Kung anu-ano nang napag-usapan namin, pati yung tungkol dun.”

“Magkasama kayo ni Kris buong gabi?” bulalas ni Barbie na halatang nakaligtaan na kung anuman ang sasabihin sana nito kanina habang si Bea naman ay nangiti na siya namang lihim na ikinatuwa ni Bea.

Noon lamang nag-angat ng ulo si Joy kaya noon rin lamang niya nakita ang reaksyon nilang dalawa.

“Magkababata at magkapit-bahay kami ni Kris!” paliwanag niya agad. “Bata pa lang kami, ginagawa na namin yun noh!”

“Pero you have to admit, hindi na kayo mga bata ngayon,” pilyong ngiti ni Barbie.

“Oo nga,” segunda ni Bea. “May something ba sa pagitan ninyong dalawa ni Kris?”

Laglag ang pangang tuminging si Joy kina Barbie at Bea bago ito nailing na natawa.

“Hindi kami nun talo! We’re just friends! Iba ang type nun! Besides, sa magkaibang bubong kami nakatira kahit ba magkalapit lang yung dalawang bubong na iyon,” anito bago tumingin kay Bea at makahulugang idinagdag “Hindi katulad ng iba diyan na sa ilalim ng iisang bubong magkasama.”

“Oo nga!” segunda naman ni Barbie noon na kay Bea ibinaling ang tingin, dahilan para mapangiti naman si Joy.

Aware na nagbackfire na naman sa kanya ang plano niyang ibahin sana ang usapan, tumingin siya sa matalik niyang kaibigan sabay sumimangot.

“Kanino ka ba talaga kumakampi ha?” tanong niya kay Barbie.

Pero sa halip na matigilan, nangiti lang ang babae.

“Sa sarili ko!” ani Barbie. “Anyway, nawawala tayo sa issue. Bago natin balikan ang segway sa kuwento ng lovelife ni Joy, balik muna tayo dun sa sayo. Akala ko ba sabi mo pumupulupot yung Alexis kay Angelo? Anong nangyari kung ganun na hindi naman daw pinapansin dati?”

Dahil na rin sa ayaw na niyang pag-usapan pa, umiling na lang si Bea thinking and hoping na kapag hindi na siya nagsalita pa tungkol sa issue ay titigil rin ang dalawa.

Unfortunately though, it’s not likely going to happen.

“Baka naman kasi nate-threaten na ngayon iyong Alexis kasi pumasok si Bea sa eksena,” sabi ni Joy. “Kasi siyempre si Angelo todo asikaso at worried kay Bea. Di ba nga willing pa iyong makipag-away para lang maiuwi si Bea ng safe last weekend? Kaya hayun, napansin niyang may umagaw na sa pansin ni Angelo mula sa kanya. Na-threaten ang loka.”

“Pwede,” bulalas ni Barbie na tumango-tango pa. Baling nito kay Bea “Sa tingin mo?”

The honest answer would be maaari ngang ganoon ang nangyari dahil maging si Mrs. Reynes ay nagtaka sa ginagawi ni Alexis ngayon patungkol kay Angelo. Pero dahil ayaw na rin niyang i-indulge ang dalawa, nagkibit-balikat na lang siya.

“Wala akong paki-alam.”

Para namang walang narinig at tila rin hindi siya nito tinanong, humarap muli si Barbie kay Joy at sinabing “So it means nararamdaman nung Alexis na malapit na siyang mawala sa eksena. This only means one thing!”

“Tama!” segunda ni Joy bago, sa pagkagulat ni Bea, sinenyasan nito ang waiter at ipina-take out ang higit kalahati pang cake na natitira nila sabay sabing bill out na rin.

“Bakit?” tanong ni Bea.

“Para kay Mang Wally!” bulalas ni Joy bago tila may naalala at sinenyasan nito ulit ang waiter at nagpadagdag ng isang kape para i-take out. “Baka kasi magutom siya eh. Tsaka para na rin hindi siya mainip sa paghihintay sa atin, idaan na lang muna natin sa kanya sa parking lot.”

“Paghihintay sa atin para saan?” naguguluhang tanong ni Bea.

“Shopping!” bulalas ni Barbie.

“Siyempre,” dagdag ni Joy bago pa man makapagsalita si Bea. “Kailangan nating makahanap ng perfect dress na isusuot mo para sa birthday ni Angelo.”

“Tignan lang natin kung hind mawala agad sa eksena yang Alexis na yan,” dugtong ni Barbie. “Promise girl, ako ang mag-aayos sa’yo! Tignan lang natin kung maalala pa ni Angelo na nagka-crush pa siya sa babaeng iyon.”

She was actually having second thoughts on attending said occasion, kahit pa ayon nga kina Elmo at Alden ay darating si Lola Glory. She had a bad feeling about it.

Unfortunately though, Barbie, and now Joy added to the mix, had made up her mind. Gustuhin man niyang tumanggi at umapela ay wala nang nagawa si Bea nang hilahin siya palabas ng café ng dalawang babae patungo sa parking lot pagkatapos nilang mag-bill out.
-----



should have been posted kahapon pero may nangyari kasi....
anyway... i'm thinking na ita-transfer ko na ang fanfic kong to sa wattpad at hindi na dito.
what do you think?

heto link sa wattpad: http://www.wattpad.com/story/1595363-trip-a-jabea-jhabea-fanfic

(no subject)

Date: 2012-07-01 07:39 am (UTC)
From: (Anonymous)
ok lang naman po kung sa wattpad na po kayo mag uupdate:)-kyelin

(no subject)

Date: 2012-07-01 07:41 am (UTC)
From: [identity profile] angelshill.livejournal.com
hi kyelin!
i'm seriously considering na dun na nga lang...
comment ka dun ha... hehehe... :):):)
check mo na lng ung page... posted na up to this chap... :)

Profile

angelshill: (Default)
angelshill

July 2012

S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031    

Most Popular Tags

Page Summary

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Sep. 25th, 2017 04:52 pm
Powered by Dreamwidth Studios