angelshill: (Default)
[personal profile] angelshill
since prinomise ko na ipo-post ko as soon as mataos ko...

TITLE: TRIP
LANGUAGE:
 Filipino
GENRE: AU
RATINGS: PG
DISCLAIMER: The only thing i own in this story is the plot...
SUMMARY:
Boy meets girl, simple lang di ba?
Pano pag boy is in love with another girl habang may other boy na naghahabol kay girl na una?
Mas komplikado pero same old, same old.
Eh pano kapag meron pa to?
Boy and girl are set to marry each other?
Saya, di ba!
(Sana… haaayz!)
This is a story of love.
Finding it, realizing it, and keeping true to it.
Dahil iba pa rin talaga pag ang puso ang nag-trip...
CHAPTERS: Chapter1Chapter2Chapter3Chapter4Chapter5Chapter 6Chapter7Chapter8Chapter9Chapter10,Chapter11Chapter12Chapter13, Chapter14,

Chapter 15:



“Alam mo pare,” simula ni Alden dahilan para i-angat ni Angelo ang ulo para tignan ang kaibigan.

Nasa opisina niya silang dalawa noon, working, or at least he was. But for Alden, wala sa mga papel na nasa harap nito ang atensyon nito. The guy’s attention was focused right outside Angelo’s door towards where Bea was being given a brief overview of the company’s facts and flows by Angelo’s executive assistant.

Bea had shown genuine interest so goings on ng kumpanya ever since the two of them stepped inside the building. Apparently ay may mga alam na rin naman ang babae tungkol sa mga nangyayari doon, malamang mula na rin sa ama nito but she didn’t let that stop her. She asked questions and keenly observed. Nang marealize ni Angelo na malaking parte ng araw niya ay gugugulin niya sa pagre-review ng mga reports, ipinasa na muna niya ang pag-aassist kay Bea kay Mrs. Reynes, his executive assistant. Mukha namang hindi iyon naging isyu sa dalawang babae dahil mukhang nagkakasundo ang dalawa, lalo pa dahil kilala rin naman niya si Mrs. Reynes sa pagiging palabiro nito.

The EA, in her late thirty’s, even raised an amused and mischievous eyebrow at him the moment he and Bea stepped into the woman’s sight. Noong una nga ay halatang ayaw nitong maniwala na anak nga ng isa sa mga shareholder’s ng kumpanya si Bea at alam niya kung ano ang pumasok na haka-haka sa isip nito.

He didn’t get the chance to deny it though dahil hindi naman lantarang sinabi ni Mrs. Reynes and halatang naglalaro sa isip nito.

Nang wala pa ring narinig si Angelo mula kay Alden matapos ang ilang segundo, pinukaw na niya ang atensyon ng lalaki na sa labas pa rin nakatuon ang pansin.

“Pare,” natatawang aniya. “Hindi ko alam.”

Maging si Alden ay natawa rin nang na-realize nito ang nangyari. Inalis na rin nito eventually ang atensyon kina Bea at Mrs. Reynes at humarap sa kanya.

“Nagtataka ako sayo,” anito kapagkuwan.

“Ano na namang ginawa ko?” kibit-balikat na aniya sabay balik sa monitor ng kanyang mga mata.

“It’s not about what you did,” ani Alden. “Not directly at least. Natataka lang ako sayo. Habol ka ng habol kay Alexis eh sobrang suwerte mo na sa bride to-be mo.”

Tumawa na lang si Angelo. “Tigilan mo ako pare,” aniya. “At tigilan mo na rin ang kakatitig kay Bea.”

“I’m just saying,” Alden shrugged. “I mean if I was the one engaged to her, pare, magse-set agad ako ng petsa ng kasal!”

Angelo snorted. “Technically speaking, hindi kami engaged, ipinagkasundo kami. Magkaiba yun.”

“American, British… Pareho pa ring English,” kibit-balikat ni Alden. “At the end of the day, sa kasalan pa rin naman ang bagsak ninyo.”

Angelo sighed, shaking his head lightly and finally looking at the guy, “What makes you think na gusto nga naming doon mapunta?”

“After nung open to the public drama ninyo noong Sabado?” ani Alden sarcastically, savouring his turn to snort. “Come on, even Alexis sensed that there was something between you and Ms. Bea.”

“Bea and I are just…” simula ni Angelo bago ito natigilan. Honestly, hindi niya alam kung anong idadagdag na adjective para sa kanilang dalawa ni Bea. They’re not friends, well, not the same way that he’s friends with Alden and Kris and she is with Barbie and Joy. Hindi rin naman masasabing colleagues lang sila. Living under the same roof certainly disqualifies them from being just acquaintances. It’s his turn na mapatingin kina Bea at Mrs. Reynes bago siya nagkibit-balikat at humarap muli kay Alden. “We’re getting along,” he smiled.

“Getting along?” natatawang bulalas ni Alden. “Dude! Ang showbiz mo!”

Maging si Angelo ay natawa na rin.

“Baliw!” tawa na lang niya sa kaibigan bago niya naalala ang isang bahagi ng sinabi nito kanina. “Teka, ano yung tungkol kay Alexis na sinasabi mo kanina?”

“Ayun,” Alden shrugged bago niya hinarap sa wakas ang trabaho niya. “Nung iniwan ninyo kami nung Sabado, panay ang tanong kung sino ba daw si Bea, ano mo siya, ba’t kayo nakatira sa iisang bahay and so on and so forth.”

“Anong sinabi mo?” tanong ni Angelo.

“Ano pa bang sasabihin ko?” balik-tanong ni Alden. “Eh ang alam ko lang naman na hindi niya alam is the fact na ipinagkasundo kayong dalawa,” anito na ipinagduldulan pa ang katagang ipinagkasundo sa kanya. “Anyway, humanda ka nga pala dahil malamang ay ikaw naman ang bobombahin nun ng tanong ngayon.” And then, as though just remembering something, Alden added with a smirk “Especially kapag nakita niyang isinama mo sa opisina si Bea.”

Angelo doesn’t doubt that. Sa tinagal-tagal ng pagkakakilala at pagkakasama niya kay Alexis, he knew the woman enough to know na kapag may nangyaring hindi nagugustuhan o nalalaman ng babae, hindi nito siya titigilan. Plus, she gets annoyed. At dahil ayaw na ayaw niyang naiirita ang babae, lalo na sa kanya, he tries his best na huwag mairita ang babae, o pumasok ito sa state of confrontation.

But somehow, curiously, this time, Angelo doesn’t mind.
-----

“You’ve been keeping things from me Angelo Jake.”

Angelo felt his heart jump the moment he heard those words. He was at the hallway that time, patungo na sana sa office niya mula sa kakatapos pa lang na monthly meeting niya with some of their top executives. And that’s when he heard it.

“Alexis!” he exclaimed, putting on a smile bago niya hinarap ang babae. “Anong ibig mong sabihin?”

Alexis had her arms crossed over her chest nang malingunan niya ito and there was certainly a slightly a weird glint in her eye he could not place.

“Don’t be coy,” anito habang lumalapit sa kanya. “Alam mo kung ano ang tinutukoy ko,” dagdag nito na inangkla pa sa braso niya ang kamay nito nang makalapit na sa kanya. “You never told me Mr. Binene’s daughter is staying at your place.”

Some part of him identified that Alexis had become very touchy lately, physically touchy, something na hindi naman nito madalas gawin sa kanya in the past but he ignored the observation. He simply ended up smiling at the woman habang itinuloy nila ang paglalakad.

“It flew out of my mind,” aniya sabay kibit-balikat.

“Huh…” ani lamang ni Alexis na hindi niya mawari kung naniniwala ba sa kanya o hindi. “So, anything else you care to share na nawala lang sa isip mo these past few days? I heard she came in with you today.”

The honest answer would be ‘Yes’ pero wala eksaktong plano si Angelo na sabihin sa babae ang tungkol sa kanila ni Bea, lalo na ang tungkol doon sa pagkakasundo sa kanila. He pretended to think a while before he turned to the woman and said “Wala, wala naman.”

Nagkibit-balikat lamang si Alexis sa naging tugon niya at hindi maitatanggi ni Angelo na nakahinga siya ng maluwag nang hindi siya kulitin ni Alexis pa tungkol doon.

“So,” tuloy ni Alexis. Pansin ni Angelo kung papaanong nakangiti na ito at pansin din niya na kung anuman ang susunod na sasabihin ng babae ay iyon ang kanina pa nito talaga gustong sabihin. Pero hindi niya napansin na ilang hakbang na lang ay nasa harap na sila ng mesa ni Mrs. Reynes. “Kailan ka babawi sa akin?”

He wasn’t expecting that. It actually took him a full breathe to even generate a response for that and his response wasn’t even that meaningful.

“Ha?” was all he could say. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng babae.

“Come on,” Alexis cheered, not even bothered by his response. “Last Saturday? You left remember? Sabi mo babawi ka sa akin.”

Angelo doesn’t remember that, not that he remembered anything much about that part of the night except that fact na gustung-gusto niyang mai-uwi na si Bea, higit lalo ang mailayo ito kay Rick.

“Sinabi ko yun?” bulalas niya.

“Well, not literally,” ani Alexis. “But it was what you meant.”

He really wasn’t sure of that. Pero bago pa man siya makapagsalita, pareho silang napalingon ni Alexis nang biglang bumukas ang pinto ng office niya at iniluwa nito si Bea.

There was a smile on Bea’s face, her lips calling Mrs. Reynes’ name, pero nang magtama ang kani-kanilang mga mata, that smile froze.
-----TBC-----



anyone reading???

(no subject)

Date: 2012-06-15 12:54 pm (UTC)
From: (Anonymous)
next chapter po pls. i super love this story next na po pls.

(no subject)

Date: 2012-06-16 03:29 pm (UTC)
From: [identity profile] angelshill.livejournal.com
hi po...
(sino to? hehehe)
next chapter to be uplaoded as soon as i finish it... :)

(no subject)

Date: 2012-06-18 01:47 pm (UTC)
From: (Anonymous)
hello po i'm kyelin po:)

:)

Date: 2012-06-16 03:24 pm (UTC)
From: (Anonymous)
hi ate cara! :) liberty here. :)) thank you po for updating this fanfic. :D i love it! :) hope you can update everyday! Haha! (demanding eh nu) :)

(no subject)

Date: 2012-06-16 03:27 pm (UTC)
From: [identity profile] angelshill.livejournal.com
hi liberty!
hahaha...
hindi kaya ang daily eh...
but i'll try as often as i can... :):):)

(no subject)

Date: 2012-06-24 11:39 am (UTC)
From: (Anonymous)
thank you po! :)))) grabe, na hook talaga ako sa story na ito. Haha! :D

(no subject)

Date: 2012-06-24 03:29 pm (UTC)
From: [identity profile] angelshill.livejournal.com
hi liberty (si ate libby ba ito from PEX?)
thanks po! :)
posted na rin po pala ung next chapter for this (Chapter16) :):):)

Profile

angelshill: (Default)
angelshill

July 2012

S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031    

Most Popular Tags

Page Summary

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Sep. 25th, 2017 04:50 pm
Powered by Dreamwidth Studios